Unang Sakay ng Jeep
Magdalena C. Pepito
MaEd FLT
Dr. Lededica D. Leyson
Propesor
“Mira! Nasaan ang sapatos
ko?! Hanapin mo bilis!” sigaw ni Ina.
“Ang alahas ko Mira, nasaan
na? Ang bagal mong kumilos! ‘Diba pinahanda ko na iyon kagabi pa?!” dagdag ni
Doňa Mercedes.
Ito ang eksena sa bahay ng
mga Mercedes tuwing umaga. Magkakandarapa
ang katulong na si Mira dahil sa mga utos ng kanyang dalawang among babae.
“Itong mga amo kong ito, mga walang puso! Kita
ngang nagluluto pa ako ng pang-almusal nila,” bulong ni Mira sa sarili.
Laging pinahihirapan si Mira
ng mag-ina. Lalo na kapag wala ang amo
niyang lalaki. Hindi kasi kagandahan ang mag-ina kaya naiinggit ang dalawa
kapag may lalaking tumitingin sa kanya.
Matalik na kaibigan ni Mira si Ina noon pero nagalit ang huli noong sa
halip na ito ang pansinin ng crush, siya ang pinansin ni Ronnie.
“Mira! Asan na?” tawag ni
Ina.
“ Nandiyan na po Seňorita,”
sagot niya. Gusto kasi ni Ina na tatawagin itong seňorita para ipakita sa iba
na ito ang amo at siya ang katulong.
“Seňorita, ito na po ang
inyong sapatos,” sabay bigay ng sapatos kay Ina.
“Mira, kunin mo nga ‘yong
kwintas sa kwarto,” utos ng Doňa.
“Opo maam,” sagot niya.
Hinanap niya ang kwintas sa kwarto ngunit hindi niya makita. Hinalughug na niya
ang mga kabinet pero wala talaga ito roon.
“Maam, hindi ko po nakita
iyong kwintas,” sabi niya.
“Hinanap ko na po iyon sa kwarto n’yo. Hinalughug ko na rin po ang
mga kabinet pero wala po doon,” sagot niya.
“Eh di ‘asan yon? Baka nasa
kwarto mo?” sabi ng Doňa.
“Hindi po Maam. Hindi ko po
kinuha ang kwintas ninyo,” sabi niya.
“Oo nga Mama. Baka tinago
lang n’ya iyon!” sabad ni Ina.
“ Huh? Hindi ko po talaga
iyon kinuha,” sabi niya.
“Nakita kita kahapon. Galing
ka sa kwarto ng Mama,” sumbong ni Ina.
“Iyon naman pala eh! Isuli
mo iyong kwintas Mira kundi tatawag ako ng pulis,” pantakot ng Doňa.
“Kailan po ay hindi ako
kumuha ng mga gamit ninyo Maam. Kahit mahirap lang po kami, hindi po ako
pinalaki ng aking ina na magnanakaw,” pagtatanggol niya sa sarili.
“Sumasagot ka na ngayon?
Matapos ka naming kupkupin, iyan ang isusukli mo?” galit na sabi ng Doňa.
“Tingnan natin ang kwarto mo. Baka tinago mo doon,” dagdag
ng Doňa.
Hinalughug ng mag-ina ang
kwarto nya. “Ano ito? Hindi ba ito ang
kwintas ko? Bakit nagsinungaling ka?” sabi ng Doňa.
“Hindi ko po iyan kinuha. Hindi ko po alam kung sino ang naglagay niyan
dito Maam,” sagot niya.
“Pinagbibintangan mo kami?” sabad ni Ina.
“Wala kang hiya!” sinampal ng Doňa si Mira, “Pinakain kita pero ito ang
isinukli mo?”
“Mama! Palayasin mo nga ang
babaeng iyan! Baka maubos ang mga gamit natin dito,” sabi ni Ina.
“Maam, patawarin niyo po
ako. Hindi ko po kinuha ang kwintas,” naiiyak na sabi niya.
“Lumayas ka dito!” galit na
sabi ng Doňa at umalis.
“Hello?! Sabi ng Mama,
umalis ka na raw,” pagtataboy ni Ina sabay tawa at sumunod din sa ina.
Naiwan si Mira sa kwarto na
umiiyak, “Paano na ito? Hindi
ko alam ang buhay sa labas. Wala akong kakilala. Saan ako pupunta?” sabi niya
sa sarili.
“Ito lang ang ipon ko,” sabay kuha sa kanyang alkansya.
Dala-dala ang limang pirasong damit, umalis ng bahay ng mga Mercedes si
Mira.
Lumabas ng bahay si Mira na hindi alam ang gagawin. Pinara
ang unang jeep na dumaan at sumakay.
“Ano ba ito, ang sikip.
Ganito ba talaga sa loob ng isang jeep?” bulong niya sa sarili.
Una iyong pagsakay ni Mira
sa jeep. Kahit kailan kasi ay hindi siya pinasakay ng amo ng jeep kahit malayo
pa ang pupuntahan niya, hindi siya binibigyang pamasahe. Kahit noong bata pa
siya, dahil sakto lang ang pera para sa panggastos nila ng ina, nilalakad niya
ang pagpunta sa paaralan.
Maraming napansin si Mira sa
loob ng jeep. May nakita siyang natutulog at natawa siya dahil sumanday naito sa balikat ng katabi. Meron
din namang isa na halos sumubsob na sa sahig ng jeep.
“May mga chismosa din pala sa loob ng jeep,” sabi niya sa sarili ng marinig
niya ang pinag-usapan ng mga nasa harapan niya sa jeep.
“Ito pang isa. Pindot ng
pindot sa telepono may patawa pa,” dagdag pa niya.
Tumingin siya sa may unahan
ng jeep, “Kumakanta bang mag-isa? Nakapikit pa,” natatawang wika niya sa sarili
habang pinagmasdan ang pasaherong nakikinig ng musika sa iPod.
Matagal ng pinagmasdan ni
Harold ang babae sa gitna ng jeep. Hindi siya mapakali. Parang may pwersang
humihigop para titigan niya ang babae. Maganda ito. Maputi at napakainosenteng
tingnan.Ngunit hindi rin ito mapakali. Palipat-lipat ito ng tingin sa mga
pasahero at minsan ay tumatawa pa itong mag-isa.
“BOOOOM!!”
“Ay!” napasigaw si Mira sa
lakas ng putok, “Ano iyon?” tanong niya.
Pumutok pala ag gulong ng
jeep kaya kailangan nilang bumaba para palitan ng drayber ang gulong. Walang
magawa si Mira at bumaba rin siya. Nagpalingon-lingon siya at hindi niya alam
kung saang lugar na siya.
“Saan kaya ako pupunta?
Hindi ko alam ang lugar na ito’” kinakabahang sabi niya.
“Ahm Miss? Magandang hapon.
Ako nga pala si Harold’” pakilala ni Harold.
“Ito iyong lalaki kanina’”
sa isip niya.
“Miss?” pukaw ni Harold sa
natulalang si Mira.
“Ako po pala si Mira’”
pakilala niya.
“Saan ang punta mo? Baka
madadaanan ko ang pupuntahan mo. Sabay nalang tayo. Tumirik kasi ang kotse ko
sa daan kaya sumakay nalang ako ng jeep. Wala kasing dumaan na taxi,” wika ni
Harold.
“Hindi… Hindi ko po alam…
Pinalayas po kasi ako ng amo ko,” naiiyak na sagot niya.
“Bakit ka sumakay ng jeep na
hindi mo alam ang pupuntahan mo?” nagtatakang sabi ni Harold.
“Kasi po… Hindi ko po alam
ang gagawin kaya pinara ko ang unang jeep na dumaan,” nahihiyang sabi niya.
“Ganon ba? Sige doon ka muna
sa bahay habang wala ka pang matutuluyan,” suhestiyon ni Harold.
“Wag na po. Maghahanap
nalang po ako ng mapapasukang trabaho,” tanggi niya.
“Mahirap maghanap ng trabaho
ngayon. Doon ka nalang muna magtrabaho sa bahay,” sabi ni Harold.
“Hindi na po. Salamat nalang,” sabi niya.
“Hindi ako tumatanggap ng hindi,” sabi ni Harold sabay hila sa kanya at
pumara ng taxi, “at huwag mo akong ipo.”
Nagtrabaho bilang katulong sa bahay nila Harold si Mira. Mababait
ang mga magulang ni Harold. Tinanggap siya ng mga ito ng walang
pag-aalinlangan.
Naging maganda ang buhay niya. Pinatapos siya ng pag-aaral
sa sekondarya ng mga ito. Minsan ay sinusundo pa siya ni Harold sa paaralan. Napalapit
na ang loob ni Mira kay Harold.
“Mira? Pakisabi nga kay Manang Gina na maghanda ng masarap
na hapunan para sa mga bisita mamaya,” utos ng ina ni Harold.
“Opo Maam,” sagot niya.
Abala ang lahat sa
paghahanda sa araw na iyon. Darating
kasi ang kasosyo ng mga magulang ni Harold sa negosyo.
Pagdating ng mga bisita, nag-usap ang mga ito
sa may sala. Nag-usap ang mga ito tungkol sa pag-aasawa ni Harold sa anak ng
bisita.
Hindi sinasadyang narinig
niya ang usapan kaya aalis sana siya para ibuhos ang sama ng loob ngunit pinatawag
siya ng ina ni Harold para dalhan ng juice ang mga bisita.
“Ikaw?! Nandito ka lang
pala?” salubong sa kanya ni Ina noong dinalhan niya ng juice ang mga bisita.
“Hindi ako magnanakaw!
Kailanman ay hindi ako gumawa ng masama sa ibang tao,” napahiyang sagot niya at
umalis.
Umiyak siya sa kanyang
kwarto. Napahiya siya sa harap ng mga magulang ni Harold. Inilagay niya ang mga
gamit sa bag at umalis ng walang paalam.
Sa mabuting palad, dahil
na rin sa nakapag-aral siya sa sekondarya, nakapasok ng trabaho si Mira sa
isang kompanya. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral hanggang sa siya ay magtatapos
na sa kursong nursing.
“Bukas graduation mo na. Congrats Mira!’ bati sa kanya ng
mga kaboardmate.
“Salamat sa inyo Ana!” sagot
niya.
Bukas na ang Graduation
Day niya at ito ang huling araw sa pagpasok niya sa paaralan. Sumakay siya sa
jeep at naalala na naman niya ang unang beses na pagsakay niya ng jeep. Naalala
niya si Harold.
“BOOOM!” pumutok ang
gulong.
“Malas naman oh. Mahuhuli na ako sa praktis nito,” wika niya.
Pagbaba niya sa jeep, unang nakita niya ang likod ng
nakatayong lalaki. Pamilyar sa kanya ang tindig na iyon. Lumingon ang lalaki at
natulala na naman si Mira.
“Ahm Miss? Magandang hapon. Ako nga pala si Harold’”
pakilala ni Harold.
“Hoy ano ba! Nakikipagkilala
iyong tao. Hindi ka sumasagot diyan,” panunudyo nito.
“Wala! wala akong pakialam!”
pagalit na tugon niya at tumalikod.
Hinabol siya ni Harold.
“Bakit ba! May asawa ka na!”
galit na sabi niya.
“Haha, wala akong asawa.
Hindi ko ipinatuloy ang kasal,” natatawang sabi ni Harold.
“Asa ka pa,” wika niya.
“Oo nga. Hindi ko siya pinakasalan dahil iba ang pakakasalan ko. Ikaw iyon
Mira,” sabi ni Harold.
“Pakakasalan mo ang isang magnanakaw?” wika niya.
“Alam ko na hindi ka magnanakaw. Matagal na kitang inaabangan Mira. Simula
noong nagkita tayo sa jeep ay kakaiba na ang naramdaman ko,” wika nito.
“Naghintay lang ako ng pagkakataong makatapos ka at dumating na ang
pagkakataong ito,” dagdag pa nito.
Umiyak si Mira.
“Wala, masaya lang ako,”
sagot niya.
“Kung ganon, payag kang
pakasal sa akin?” excited na tanong ni Harold.
“Oo,” sagot niya.
Nagpakasal ang dalawa.
Tinanggap siya muli ng mga magulang ni Harold at naniniwala din itong hindi
siya magnanakaw. Ipapakasal pala sana si Harold kay Ina para bayaran ang utang
ni Doňa Mercedes sa mga ito pero hindi pumayag ang lalaki.
`“Bakit ka pa nagbalik?”
sabad ni Ina.
“Kukunin ko ang
pagmamay-ari ko na,” sagot ni Mira.
“Ano naman ang pagmamay-ari
mo? Muchacha ka lang. Alis!” pagtataboy ng Doňa.
Pumasok si Harold at
hinawakan ang kamay niya.
“Kukunin na namin ang
bahay na ito,” sabad ni Harold.
Hindi nakapagsalita ang mag-ina.
“Patawarin mo ako Mira. Ako ang naglagay ng kwintas ni Mama
sa kwarto mo,” sabi ni Ina.
“Alam ko na marami kayong nagawang pasakit sa akin ngunit
kayo pa rin ang kumupkop sa akin kaya itinuring ko pa rin kayong pamilya,” wika
niya.
“Pinapatawad ko na kayo,” dagdag
niya.
“Salamat Mira!” sabay-sabay
na wika ng mag-ina.
Salamat sa jeep at nakilala
ni Mira ang pinakamahalagang tao sa buhay niya, si Harold.
W A K A S
. . .
No comments:
Post a Comment